9
views
ABANTE HARRY ROQUE SALARY INCREASE TODO EXPLAIN
By

Panglao, Mactan Island ‘di matutulad sa Bora – Palasyo

Sharing is caring!

Tiniyak ng Malacañang na hindi mararanasan ng dalawang malalaking tourist island destinations ang sinapit ng isla ng Boracay na ipapasara dahil napabayaang masalaula ito.

Kasunod ito ng report na mataas ang level ng fecal coliform at hindi ligtas ang tubig sa mga isla ng Panglao, Bohol at Mactan Island sa Cebu.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mayroong waste water treatment sa Panglao, na wala sa Boracay at magiging operational ito sa sandaling magbukas ang bagong airport.

“Well, ang Panglao po, ang mabuting balita diyan, iyong waste water treatment nasa ilalim mismo ng bagong airport. Hindi po magiging problema ito sa Panglao as soon as it is operational. But it’s already in place; it’s right under the new international airport of Panglao. But the DENR has said Panglao is also in their radar,” ani Roque.

Hindi naman sigurado ang kalihim kung mayroon nang centralized water treatment facility ang Mactan Island.

Kumikilos na aniya ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para tiyaking susunod ang lahat ng resorts sa panuntunang dapat mayroon silang sariling waste water treatment facility alinsunod sa Water Code.

“You should have your own or naka-attach ka sa isang sewage line na mayroong waste water treatment. Hindi talaga pupuwede na mag-discharge ng waste water na untreated sa karagatan,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?