5,106

Jan 4, 2022 @ 16:05
By

Pangit ka-bonding! ‘Mang Boy’ viral sa socmed

Trending ngayon sa social media ang dati umanong pulis na si ‘Mang Boy’ matapos maglabas ng itak sa kanyang mga kapitbahay dahil sa tugtog ng videoke noong mismong araw ng bagong taon.

Bagamat burado na ang orihinal na post ng mismong kumuha ng video, pinakalat na ito ng iba pang mga Facebook at TikTok user.

Sa video ay makikita ang pakikipagtalo ng uploader habang nasa gitna sila ng inuman sa kapitbahay nila na si Mang Boy, na may hawak na mahabang itak.

Batay sa video, pinatitigil ni Mang Boy ang tugtugan dahil maingay, ngunit nakiusap naman ang mga nasa video na unawain sila sapagkat bagong taon naman.

Makikita rin kung paano nanggigil si Mang Boy kung saan hinawakan pa nito ang isa sa mga nasa inuman bago tagain ang isang speaker.

Pinag-initan din ng isa sa mga kasama ni Mang Boy ang babaeng nagvi-video.

Kaya naman naging pulutan ng mga netizen at memes ngayong araw si Mang Boy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,