105

By

Pangingitlog sa Asian Games tatapusin ni Yulo, gymnastics

JAKARTA, INDONESIA — Palaban kahit mga bagito pa lang sa 18th Asian Games 2018 na pormal na binuksan kahapon sa Gelora Bung Karno Sports Complex sa Senayan ng kabiserang ito ng Indonesia ang 2 Filipino gymnast.

Nakakintal sa puso ng pitong mga bata ni Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion na tapusin ang may 43 taong pangingitlog sa medalya ng Pilipinas sapul nang maging medal sport sa 1974 AG sa Tehran, Iran.

Matatasahan bukas sina rookies Carlos Edriel Yulo at Reyland Capellan sa men’s artistic gymnastics sa Jakarta International Expo Kanayoran Hall D rito sa 45-nation, 16-day meet na aabutin hanggang Setyembre 2.

Susuklian ng 18-anyos at prinsipe ng Palarong Pambansa sa ‘Pinas na si Yulo ang binigay na paghahanda sa kanya ng GAP para sa quadrennial multi-sport event.

“I am ready this time at gusto ko pong maipakita ang buong makakaya ko upang magwagi ng medal para sa bansa,” komento ni Yulo, na naka-silver sa floor exercise ng 2018 Doha World Cup sa Qatar, bronze sa vault sa Melbourne World Cup Gymnastics 2018 sa Australia at silver sa vault ng Baku World Cup 2018 sa

Azerbaijan noong March 18.

Kakasa si Yulo sa individual all-around, horizontal bar, pommel horse, parallel bars, vault, rings at peg niyang floor exercise.

Atat din si Capellan, na naka-gold sa floor exercise at bronze sa vault sa nagdaang taong Southeast Asian Games, na patunayan sa lahat ang pagpuwesto sa national team na dumayo rito.

Kumukumpleto sa PH bets sina Jan Gwynn Timbang, aangas sa MAG vault, rings, horizontal bar, pommel horse, parallel bars at floor exercise, women’s artistic gymnastics team na binubuo nina Ma. Cristina Onofre (balance beam, floor exercise, vault and uneven bars), Carinne Leanne Bunagan (balance beam, floor exercise, vault at uneven bars) at Shieldannah Sabio at Marian Nicole Medina (individual all-around).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?