24

Jul 18, 2021 @ 18:38
By

Pangilinan umalma sa pagpondo ni Duterte sa PDP-Laban bets

Binanatan ni Senador Kiko Pangilinan ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Sabado kung saan sinabi ng pangulo na ikakampanya niya ang mga pambato ng PDP-Laban sa 2022 dala ang maraming pera na kung maaari ay nakalagay pa sa sako.

Sa isang tweet nitong Linggo nagkomento ang senador sa naging pahayag ng pangulo.

“Wala nang pera para sa ayuda sa milyon nating mga kababayan na gutom, para sa mga allowance ng mga frontliners, para sa mga nagkakasakit at namamatay pero sakong sakong pera ang nakatabi para sa mga kandidato nilang pulitiko,” saad sa tweet ni Pangilinan.

Kasama sa tweet ng mambabatas ang artikulo sa isang pahayagan na nag-ulat tungkol sa pahayag ng pangulo sa national assembly ng PDP-Laban nitong Sabado.

“Those running for elections, ikakampanya ko kayo, city for city, totoo ‘yan… I commit to you. Talagang pupunta ako, city to city, province to province, kakampanya ko kayo,” wika ni Duterte. “At saka magdala ako ng maraming pera. Sako kung mayroon.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?