Abante-TnT-kiko-pangilinan
By

Pangilinan sa Tulfo brothers: Alis na kayo sa PTV-4!

Sharing is caring!

Pinagkukusa ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang mga kapatid ni dating Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo na umalis sa state-run television station na PTV4.

Tinutukoy sina Ben Tulfo at Erwin Tulfo, producer at hosts ng programang Kilos Pronto na tumanggap ng P60 milyon para sa patalastas ng Department of Tourism (DOT) na ipinasok sa kanilang programa

Ayon kay Pangilinan, dapat ay sundan ng dalawa ang umano ay kinusang pagbibitiw sa pwesto ni Teo.

“Hindi naman kailangan yun (pag-alis sa PTV4) pero dahil government station ang PTV4 mas mainam kung kusa o voluntary na silang magbitiw bilang mga producer at anchor,” ayon sa Senador.

“Sundan nila ang mga yapak ni Sec. Teo,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?