11

Jan 13, 2021 @ 21:13
By

Pangilinan sa DOH: Awat muna sa pagbili ng Sinovac

Kasunod ng resulta ng bagong pag-aaral sa Brazil na nagsasabing 50 porsiyento lang ang efficacy rate ng Sinovac vaccine ng China, nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Department of Health na isaalang-alang muli ang kanilang order sa pagbili ng naturang mga bakuna.

“Sinovac, with just over 50 percent efficacy, is six times more expensive than AstraZeneca, which in contrast shows a 70-percent efficacy. Sinovac is more expensive yet it has the lowest efficacy. Given these latest findings, we call on the DOH to cancel the purchase of said vaccines,” pahayag ni Pangilinang sa kanyang tweet.

“Bakit tayo gagastos sa mas mahal na pinakamababa ang bisa? Why will we pay for a more expensive vaccine that has lowest efficacy?” dagdag nito.

Ang efficacy ratre ng Sinovac ay pinakamababa sa iba vaccine kagaya na Modern ana 95 porsiyento ang efficacy ratre, Pfizer at BionTEch (95%), Gamaleya (92%) at AstraZeneca (70%).

Sa bicam report ng 2021 national budget, ang Sinovac ay nagkakahalaga ng P3,629.50, Moderna (P3,940-P4,505), Pfizer (P2,379), Gamaleya (P1,200), Covax (854), AstraZeneca (P610) at Novovax (P366).

According to data shared during the interpellation on the bicameral report on the 2021 national budget, the cost of Sinovac is P3,629.50, Moderna at P3,904-P4,504, Pfizer P2,379, Gamaleya P1,220, via Covax facility P854, AstraZeneca P610, and Novavax P366.

Naka-order na ang Pilipinas ng 25 milyon sa Sinobac Biotech kung saan darating na sa Pebrero ang unang 50,000 order.

“Bakit natin bibigyan ng kaduda-dudang bakuna ang ating mga mamamayan? Nagsasayang lamang tayo ng pondo sa pagbili ng Sinovac dahil marami pang bakuna na pagpipiliian,” sabi ni Pangilinan.

“Malinaw naman na ito ang pinakamahal at hindi pinaka-epektibo. Ano ba ang gustong gawin ng pamahalaan?” tanong pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?