582

By

Pangilinan nagtataka sa pagpapawalang-sala kay Revilla

Sharing is caring!

Naguguluhan si Senador Kiko Pangilinan sa desisyon ng Sandiganbayan sa kasong pandarambong na kinaharap ni Senador Bong Revilla at ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.

Pinagtatakahan nito kung bakit napatunayan ng korte na nagkasala ang diumano ay nanuhol ng pork barrel funds na si Napoles pero pinawalang-sala ang diumano ay tinapalan nito ng suhol.

“Paano naging guilty ang nanuhol pero not guilty ang sinuhulan? Paano naging guilty ang inuutusang ibalik ang pera? Mahirap unawain ang naging pasya,” sabi ni Pangilinan.

Samantala ay umaasa ito na makukuha ng gobyerno ang P124.5 milyon na ipinasasauli ng korte kay Napoles.

“Ang pinababalik na P124 milyon ay makakapagpasuweldo ng 248,000 na minimum wage earner sa isang araw,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?