12

Jul 19, 2020 @ 20:29
By

Pangilinan kay Duterte: Anti-political dynasty madaliin na!

Hinamon ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan si Pangulong Rodrigo Duterte na gawing urgent ang anti-political dynasty bill kung nais nitong mabura ang oligarko sa bansa

“Tagal na nitong nakabinbin. Nakasaad pa sa Saligang Batas. Kailangang sumulong ito sa Kongreso, at mangyayari lang ito kung sasabihin ng pangulo,” pahayag ni Pangilinan.

Kinontra din ni Pangilinan ang nagging pahayag ni Duterte na nadurog na nito ang oligarko sa bansa kahit walang martial law, dahil ang ibig sabihin umano ng oligarchy ay ang pagkontrol ng isang pamilya sa kapangyarihan galing sa iba’t ibang henerasyon.

2019 nang ihain ni Pangilinan ang Senate Bill 264 para pagbawalan ang mga political dynasty, ngunit hindi pa rin ito gumugulong.

“While several bills have been filed in the past—with the Senate even coming up with a committee report on the anti-dynasty bill in the 17th Congress— these were never really acted upon and advanced to become a law,” ayon sa mambabatas.

“We challenge this administration to make a difference and certify the anti-political dynasty bill as urgent, so that it will move in Congress,” giit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?