894
Abante-TnT--kiko-pangilinan
By

Pangilinan kay Belgica: Sina Faeldon, Montano, Tulfo brothers ang kasuhan mo, huwag kami!

Sharing is caring!

 

Kinundena ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang pagsasampa ng reklamong katiwalian laban sa kanya at kina dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at mga dati nitong gabinete, Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Antonio Trillanes III kaugnay ng kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Isinampa ito sa Office of the Ombudsman ni Greco Belgica, isa sa mga commissioner ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Sinabi ni Pangilinan na imbento lang ang reklamo laban sa kanilang mga kritiko ng Duterte administration upang makaligtaan ng publiko ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng bigas at petrolyo.

Kung may dapat aniyang kasuhan, hindi silang mga taga-oposisyon kundi ang mga opisyal at naging opisyal ng Duterte administration.

“Kalokohan yan. Ang pagsampa ng mga gawa-gawang kaso laban sa mga kritiko ng administrasyon ay paraan lamang upang ilihis ang usapin sa mga totoong nagaganap na kurakot nina Tulfo-Teo, Tulfo brothers, Montano, Jason Aquino, Faeldon na hanggang ngayon ay wala pa ngang kasong isinasampa,” sabi ni Pangilinan.

Tinutukoy nito sina dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo at mga kapatid na sina Raffy at Erwin Tulfo,Cesar Montano, na dating namuno sa Tourism Promotions Board, dating National Food Authority administrator Jason Aquino at dating Customs commissioner Nicanor Faeldon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?