8

Oct 31, 2020 @ 20:47
By

Pangilinan: Illegal foreigner sa ‘Pinas i-deport lahat

Nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na arestuhin lahat ng mga dayuhan sa bansa na pumasok sa Pilipinas sa iligal na paraan kabilang na ang mga Chinese national.

Sa inilabas na pahayag ng senador nitong Sabado at naka-post sa website ng Senado, sinabi niyang matapos ang legal deportation proceedings ay agad na i-deport ang mga undesirable alien.

“Since it has been established by testimonial evidence that tens of thousands of these Chinese nationals entered the country through illegal means then they should immediately be arrested and deported,” lahad ni Pangilinan.

“Illegal nationals take away jobs for Filipinos, rob the government of taxes, and possibly put our national security at risk,” dagdag niya.

Ayon pa sa senador na isa ring abogado, lahat ng dayuhan na napatunayang nakagawa ng iligal gaya ng paglabag sa batas ng Pilipinas ay nararapat ding i-blacklist, arestuhin at i-deport. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?