51

Dec 19, 2020 @ 15:02
By

Pangilinan: Hindi pera problema sa pagbili ng bakuna

Burukrasya at hindi pera ang magdudulot ng mga problema sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19, ayon kay Senador Francis Pangilinan.

“Hindi pera ang problema, burukrasya ang problema,” wika ni Pangilinan sa panayam sa ANC.

Dagdag ni Pangilinan, ang mabagal na pagbibigay ng pondo ng executive department idagdag pa na kailangan ng Kongreso na palawigin ang pondo sa 2020 budget at Bayanihan 2 dahil bilyun-bilyon pa ang hindi nagagamit.

“Bilyun-bilyong halaga ng pera ang hindi nagagamit, mabagal (ang release), may burukrasya sa executive department na kung hindi natin in-extend e babalik (ang unspent funds) sa national treasury na kinakailangan dapat gastusin dahil iyun ang hinahanap ng ating mga kababayan,” giit ng senador.

“So tayo sa Senado, inaprubahan natin ‘yung pera, nandiyan ‘yung pondo, itinutulak natin ngayon ang executive. ‘Yan ang kainaman ng three branches of government: executive, judiciary, legislative. Minsan mabagal ‘yung executive, kinakailangan pabilisin,” dagdag niya.

Samantala, nakatakdang magsagawa ang Senado ng Committee of the Whole hearing tungkol sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?