639

Sep 27, 2018 @ 18:34
By

Pangilinan ‘di mananalo kapag tumakbong muli! – Duterte

Hindi dapat magpakasiguro si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na mananalo sa susunod na eleksiyon dahil sa batas nito na nagbigay ng lakas ng loob sa mga menor de edad para gumawa ng krimen, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang talumpati matapos pangunahan ang pagpapanumpa sa mga bagong Career Executive Service Officers (CESOs) sa Malacañang, sinabi ni Duterte na kaya dumami ang mga batang gumagawa ngayon ng krimen ay dahil sa batas ni senador Pangilinan.

Wala aniyang mga ganito noong mga nakalipas na administrasyon pero dahil sa Juvenile Justice Welfare Act of 2006 ni Pangilinan ay lumakas ang loob ng mga batang menor de edad na gumawa ng krimen dahil hindi naman sila nakukulong.

“Itong si Pangilinan, kaibigan ko to. I do not want to demean him, but you know in this life we have to find ourselves what we do. Kung ginawa mo, ginawa mo. Ang criminal code noon, nine below no criminal liability. Then above nine below 12, and above 12 below 16 meron yang indeterminate sentence law,” anang Pangulo.

Nagpaguwapo aniya ang senador at bagamat kinopya nito ang batas ng Amerika, hindi nito na-reaserch na ibinalik na ng Estados Unidos ang parusa sa mga youth offender, at kung ano ang parusa sa mga adult offender ay iginagawad na rin sa mga ito.

Ang hindi aniya nilinaw ni Pangilinan sa kanyang batas ay kung ano ang gagawin sa mga naarestong menor de edad dahil wala namang nakasaad kung paano ireporma ang mga ito.

“Ito naman si Pontifical Pangilinan akala mo walang kasalanan kung magsalita. Siya pa yung Presidente ng Liberal, tingnan mo, pati siya hindi manalo yan,” dagdag pa ni Duterte.

Kinumpirma ng Presidente na nakipagkita sa kanya ang ilang senador noong nakalipas na gabi at pinag-usapan ang posibilidad na i-repeal ang batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?