1,286

Jul 22, 2020 @ 17:15
By

Pangilinan ayaw patulan ‘tantrums’ ni Locsin

Hindi umano mag-aaksaya ng oras si Senador Francis Pangilinan sa aniya’y ‘tantrums’ ng isang ‘foul-mouthed’ na tao.

Ginawa niya ang pahayag sa kanyang post sa Twitter ilang oras matapos siyang pitikin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin kaugnay ng reaksiyon nito sa inangkat na COVID-19 test kits ng gobyerno.

“I have better things to do than waste my time with the tantrums of a foul mouthed, trying hard, copy cat,” tweet ni Pangilinan noong Martes, na ibinase nito sa sikat na quote ng actress na si Cherie Gil sa pelikulang “Bituing Walang Ningning” na pinagbidahan din ng asawa nitong si Sharon Cuneta.

Wala namang binanggit ang senador kung sino ang kanyang pinatatamaan.

Bago ang tweet ni Pangilinan, nagreak si Locsin sa pahayag ng senador na mas pinaboran umano ng gobyerno ang mga test kit na galing China at Korea kesa sa naimbento ng University of the Philippines (UP).

“Why? Why? Because they’re proved to f*cking work that’s f*cking why? What’s wrong with you. Shut up if you have nothing intelligent to say. p*tangina. I am not gonna let our people die in the name of Filipino first. P*Tangina,” sabi ni Locsin bilang komento nito sa sinabi ni Pangilinan.

“I just hate nationalism when it comes to public health,” dagdag pa ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?