49

Jul 3, 2020 @ 21:02
By

Pangilinan: Anti-terror bill dapat ibasura

“Hindi pa tapos ang boksing. Hindi pa tapos ang laban.”

‘Yan ang pahayag ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-terrorism bill para maging ganap na batas nitong Biyernes.

Ayon kay Pangilinan, hindi na siya nagulat na aaprubahan ni Duterte ang nasabing bill dahil angkop umano ito sa kanyang istilo ng liderato.

“I am not surprised. From Day 1 this Administration unleashed draconian and authoritarian measures as a showcase of its brand of leadership. These draconian measures however have been exposed as nothing more than a show of senseless, mindless violence as means to sow fear amongst the people,” ayon sa senador.

Ang nasabing bill ay pinalagan ng ilang human rights group at mambabatas dahil sa ilang probisyon dito na pwede umanong lumabag sa karapatang pantao.

“From the murderous drug war to the longest martial law in Mindanao to the longest lockdown in the world, and now to the anti-terror law. The drug war has not nailed big-time drug lords and illegal drugs still flow after 4 years. Martial law in Mindanao has miserably failed to address the reconstruction of Marawi,” ani Pangilinan, na sinabi pang hindi nalutas ng pinakamahabang lockdown sa buong mundo ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas, patunay na hindi kamay na bakal ang solusyon sa bawat problema ng bansa.

“Basura ang pilit na isinusubo sa taumbayan. Dapat ibasura ang walang kwentang batas na ito at handa tayong kwestyunin ang constitutionality ng batas na ito sa Korte Suprema,” giit ni Pangilinan.

“Hindi pa tapos ang boksing. Hindi pa tapos ang laban,” he added.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?