17

Jan 24, 2021 @ 14:56
By

Pangilinan: AFP sinisiraan, dinudungisan UP

Nalalagay umano sa masamang imahe ang Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa pag-label nito sa ilang prominenteng personalidad na graduate ng University of the Philippines (UP) bilang komunista, ayon kay Senador Francis Pangilinan.

“Nakakadismayang may ilan sa AFP na sinisiraan ang pangalan ng institusyon at dinudungisan ang professionalism nito,” pahayag ni Pangilinan.

Sabi pa nito, bukod sa paglagay sa peligro ng mga private citizen, ang mga mali aniyahg akusasyon ng AFP ay naglagay sa panganib sa naturang military organization,

“We cannot afford to have a politicized and unprofessional AFP. Let us not forget that it was the glaring lack of professionalism in the AFP that caused it to turn against itself during the last years of the Marcos regime,” ani Pangilinan.

“Tiwala tayong magiging independent ang military, at gagabayan ng kanilang mandato na paglingkuran at proteksyunan ang mamamayan,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Pangilinan ang reaksiyon sa likod ng inilabas na listahan ng AFP sa diumano’y miyembro ng New People’s Army na nahuli o napatay na ng puwersa ng gob yerno.

Kasama sa litahan si dating peace adviser Alexander padila, na naging Custo chief at pinuno ng PhilHealth.

“Bahagi ito ng tangkang bansagan ang UP bilang sentro ng mga rebeldeng komunista. Mapanganib itong pabara-barang mga paratang dahil nilalagay sa peligro ang kaligtasan at buhay ng mga nasa listahan,” ayon kay Pangilinan.

“Dapat tigilan na ng mga military na gumagawa nito ang pag-re-red-tag. Dahil sa maling pag-label sa mga tao, nagiging target sila ng panggigipit at pinakamalala pa, pagpatay,” dagdag pa nito.

Pinaalalahanan pa ni Pangilinan ang mga ‘bad eggs’ sa AFP na ang ginagarantiya ng Konstitusyon ang kalayaan sa paniniwalang pulitika at pamamahayag.

“Lahat tayong lingkod-bayan ay sumumpang itataguyod ang Saligang-Batas. Bukod sa ginagarantya ng Saligang-Batas ang kalayaan sa paniniwala at pananalita, sinasabi rin nito na hindi krimen ang maniwala sa anumang ideology,” ani Pangilinan.

Kaugnay naman sa akusasyon ng AFP na may shabu lab at criminality sa UP, sinabi ng unang UP Student Regent na walang itong basehan.

“Etong mga walang basehan at maling-maling mga paratang ng iilan ang sisira sa integridad, credibilidad at professionalism ng ating sandatahang lakas,” ayon pa sa senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?