106

Jun 11, 2021 @ 15:57
By

Pangilinan: ABS-CBN baka bukas pa kung nakaboto 10M kabataan

Naniniwala si Senador Kiko Pangilinan na kung nakapagparehistro noong nakaraang eleksyon ang lahat ng kabataan ay bukas pa ang ABS-CBN at hindi naipasa ang Anti-Terror bill.

Aniya, nasa 14 milyong kuwalipikadong bumoto ang hindi pa nakapagparehistro, na karamihan ay mga kabataan.

“Marami sa hindi registered ay kabataan. Our estimate in 2019 is around 10 million youth did not register,” saad ni Pangilinan sa panayam sa “The Chiefs” noong June 9.

“Based on PSA, Comelec data, we estimated 8-10M young eligible voters did not register in 2019. In 2019 even if just half of those 10 million registered, baka bukas pa ABS-CBN now ‘yung mga nahalal nagpasa niyan eh. Baka Anti-Terror bill ‘di naipasa,” dagdag niya.

“So can you imagine these 8-10 million if they register now and choose wisely. The catalyst of change ay ang kabataan. Ever since, panahon pa ni Rizal, they were all students. Puro kritikal sa nangyayari sa bansa. So nasa kamay na nila. Saka na natin pag-usapan ang kandidato. Pag-usapan natin ang botante. Get them to register,” sambit pa niya.

Kaya naman hinikayat niya ang mga kabataan na magparehistro na para makaboto.

“‘Yung mga isyu ngayon sa pandemic, China, kung concerned tayo, magparehistro tayo at bumoto,” giit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?