14

By

Panghuhuli sa mga sangkot sa jueteng hindi puwedeng itigil ng PNP – Lacson

Sharing is caring!

Hindi maaring ihinto ng Philippine National Police (PNP) ang pagdakip sa mga sangkot sa ilegal na jueteng.

Mariing sinabi ni Senador Panfilo Lacson na tulad sa ilegal na droga, umiiral ang batas na nagdedeklarang ilegal ang jueteng kaya obligasyon ng mga awtoridad na dakpin at kasuhan ang mga sangkot dito.

“There can be no legal justification not to arrest an offender who is committing a crime in the presence of a law enforcer, be it a drug offender or an illegal gambler,” pahayag ni Lacson.

Bukod dito, hindi umano maaring hayaan ang patuloy na operasyon ng jueteng dahil dinadala nito sa katiwalian ang mga law enforcement agency.

Tugon ito ni Lacson sa pahayag ni pangulon Duterte na hindi niya ipatitigil ang jueteng dahil papalit lang dito ang bentahan ng ilegal na droga.

Sinabi rin ng pangulo na nakakatulong ang pagju-jueteng sa mahihirap.

Sa tingin ng senador, gusto lang sabihin ng pangulo na gawing prayoridad ang paglaban sa ilegal na droga kaysa sa ilegal na sugal kung kinakailangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?