85
koko-pimentel2
Jun 26, 2018 @ 12:30
By

Panghuhuli ng tambay maaaring madeklarang unconstitutional – Koko

Puwede umanong madeklarang labag sa Konstitusyon ang panghuhuli ng pulisya at mga lokal na pamahalaan ng mga tambay kahit pa magkaroon ng ordinansa.

Diin ni Senador Koko Pimentel, vague o malabo ang kahulugan ng tambay at mahirap din na bigyan ito ng kahulugan.

Aniya, nadedeklara na unconstitutional ang batas at ordinansa kapag ito ay malabo.

Dahil dito, hindi niya ineendorso na gumawa ng ordinansa na magbabawal sa pagtambay.

“I discourage anti-loitering ordinances as this is very difficult to write. How do we define loitering? ‘Yung drinking in public madali malaman kung nangyayari o hindi. ‘Yung walking shirtless in public madali din malaman. Pero loitering? What constitutes loitering? Vague. Hence possibly unconstitutionally void for being vague,” ayon kay Pimentel.

Dahil dito, iginiit ng senador sa legal department ng Philippine National Police (PNP) na makipagtulungan sa mga LGU para repasuhin ang mga ordinansa laban sa mga tambay.

Sabihan na rin aniya ng PNP Legal Department ang buong pulisya na iwasang magpatupad ng ordinansa kontra tambay.

“PNP legal should advice entire PNP organization to avoid enforcing anti-loitering ordinances because the act constituting “loitering” is very hard to define and determine in real life if an act already constitutes loitering,” dagdag ng senador. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?