244

Feb 28, 2020 @ 15:20
By

Panggulat ang boobs! Heart naghubad sa social media

Ano kaya ang reaksyon ni Sorsogon governor Chiz Escudero matapos manggulat sa social media ang kanyang misis na si Heart Evangelista na nag-post ng larawan na walang damit.

Sa Instagram post ni Heart ay makikita ang kapiraso ng side boob ni Heart na walang pa ring kupas ang kaseksihan.

Lampas 30 minuto pa lang napo-post ni Heart ang nude picture, ngunit mayroon na agad itong 63,000 plus likes at ilang mga celebrity na ang napa-react sa hotness ng aktres.

Tila nagulantang si Iza Calzado sa pose ni Heart, habang ang art director namang si Mike Alvarez ay naghahanap kung saan napunta ang damit nito.

“Jusko Heaaart sa dami ng damit mo…char,” sey ni Alvarez.

Ilan pa sa hindi kinaya ang paghuhubad ay sina Jessy Mendiola at fashion designer Vania Romoff.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?