64

May 18, 2020 @ 10:11
By

Panggugulpi sa quarantine violator, iimbestigahan ng PNP

Iimbestigahan umano ng Philippine National Police – Internal Affairs Service kung may paglabag sa umano’y pambubugbog ng ilang Cavite police sa isang quarantine violator.

Tiniyak naman ni PNP chief Archie Gamboa sa DZMM, Lunes, na magiging patas ang kanilang imbestigasyon ukol sa mga paglabag ng mga pulis.

Nabahala ang madla matapos makita ang black eye at magang mukha ni Ronald Campo, isang factory worker, dahil umano’y ginulpi ito ng mga pulis sa General Trias, Cavite.

Ito’y matapos niyang maaresto dahil sa paglabag sa quarantine sa Tropical Village, Brgy. San Francisco.

Una nang inatasan ng Malacañang ang PNP para imbestigahan ang nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?