134

Dec 18, 2017 @ 14:54
By

Panggagaya ni Paolo B kay Miss U 2016 Iris Mittenaere, umani ng papuri

Umani na naman ng papuri si Paolo Ballesteros sa netizens matapos niyang iposte ang make-up transformation niya sa Miss Universe 2016 na si Iris Mittenaere ng France.

Nakakabaliw ang bagong make-up transformation na ito ni Paolo na nakaposte sa kanyang Instagram wall dahil napakaganda ng panggagaya niya sa universe beauty queen.

Ito na yata ang pinakamagandang make-up transformation ni Paolo sa dalawang beauty queens na ginaya niya dalawang linggo na ang nakakaraan, sina Ms. Jamaica at Ms. Colombia.

Mula mata, ilong, bibig, kilay at ayos ng buhok maganda ang pagkakagaya ni Paolo kay Miss France.

Pati ang pagkakapuwesto ng fake boobs nito ay nakalagay sa tamang lokasyon, ‘di gaya ng kay Miss Colombia na halos nasa balikat na at kay Miss Jamaica naman na hindi pantay.

Halos mabaliw ang mga followings ni Paolo sa isa pang pasabog ng husay niya sa panggagaya ng mga world-class personalities.

Pati ang ilan sa mga taga-France na supporters ni Miss U Iris ay bilib na bilib kay Paolo.

Kung kay Miss Colombia may mga comment pang mas maganda pa rin raw ang kanilang idolo, sa pagkakataong ito mismo, taga-France na ang nagsasabing plakado at napakaganda ng panggagaya nito sa kanilang star.

Anyways, hindi na kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay bigla na lang imbitahan si Paolo sa US o abroad para i-guest sa kanilang show o di kaya’y gawan ng feature kaugnay sa make-up transformation talent nito.

Samantala, siguradong sa bagong bahay na magpa-Pasko ang aktor ngayong tapos na ang ipinapagawa nitong modern-contemporary house.

Nakapaskil sa kanyang IG wall ang may black and brown motif outside painted house ni Paolo.

@pochoy_29, “See you soon!” ang caption niya sa magarang haybol. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?