2,308

Nov 20, 2018 @ 14:29
By

Panggagahasa ng estudyante sa pinsan, buking matapos makunan

Agad dumulog sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ina ng isang 13-anyos na dalagita nang madiskubre nito na ginahasa ang kanyang anak ng sarili nitong pinsan sa lungsod ng Pasig.

Naaresto sa walong beses umanong panggagahasa sa biktima ang 22-anyos na estudyanteng pinsan nito kahapon, Nobyembre 19.

Ayon sa ulat, taong 2017 umano ginahasa ng suspek ang 12-anyos pa lang noon na dalagita.

Nalaman lang umano ng ina ng biktima ang ginawa ng kanyang pamangkin noong Agosto nang malaglag ang ipinagbubuntis ng kanyang anak na anim na buwan nang buntis.

Itinanggi umano ng suspek na ni-rape niya ang pinsan dahil may relasyon umano sila.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng DSWD ang biktima habang nakakulong na ang suspek sa Pasig City Police Headquarters at nahaharap sa kasong walong bilang ng rape.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?