302

May 6, 2021 @ 17:05
By

Pangdutdot sa ilong ni-recycle! 10K biktima ng swab test scam

Tinatayang aabot sa 10,000 na pasahero ang posibleng nabiktima sa isang scam kung saan ginagamit nang paulit-ulit ang mga nasal swab sa isang airport.

Limang empleyado ng Kimia Farma, isang Indonesian pharmaceutical company, ang dinakip noong April 27 dahil sa paglilinis at muling paggamit ng mga rapid antigen nasal swab kit sa iba’t ibang pasahero.

Ayon sa report, ito’y muling ginagamit sa mga pashaero na sumasakay sa Kualanamu International Airport sa Medan, North Sumatra.

Saad ng pulisya, apat na buwan na umanong aktibo ang naturang scam.

“They started their crime on December 17, 2020. If every day they have 50 to 100 customers, the victims number are estimated to be about 10,000,” saad ni North Sumatra Police spokesman, Grand Commissioner Hadi Wahyudi sa report ng CNN.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa health law ng Indonesia, kung saan kapag napatunayang nagkasala ay makukulong ng hanggang 10 taon.

Natagpuan ng mga pulis ang ilang ni-recycle na cotton swab, packaging, at aabot sa 149 million rupiah sa kinasang raid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?