10

Apr 8, 2021 @ 9:54
By

Pangasinan ayaw na tumanggap ng COVID patient mula NCR

Walang silid na ilalaan sa mga ospital sa Pangasinan para sa mga COVID-19 patient na galing Metro Manila.

Naglabas ng pahayag si Governor Amado Espino III na sinasabing tanging Pangasinense patients lang na kumakaharap sa coronavirus ang tatanggapin ng kanilang mga pagamutan.

Patuloy aniya ang ugnayan ng Pangasinan provincial government sa mga lokal na gobyerno at pambansang ahensiya na nagbabantay sa mga border control checkpoint sa lalawigan para matiyak na walang pasyente mula sa labas ng probinsya ang papasok nang walang maayos na koordinasyon.

Balak din aniya ng provincial technical working group na bumuo ng protocols sa pagitan ng mga Pangasinan hospital at isolation facility at ng NCR Plus bubble (National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal).

Sa ngayon, napaulat na ang bed capacity ng mga ospital sa lalawigan ay umabot na ng 80 porsiyento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?