21

By

Pangarap ni Bianca tinupad ng ‘MMK’

Sharing is caring!

First time ni Bianca King na lumabas sa MMK sa Sabado, kaya masasabing katuparan ito ng isang pangarap.

Gagampanan niya ang isang babaeng may sakit.

Magkasangga ang magkapatid na Sherwin (Sandino Martin) at Love (Bianca) mula pagkabata, lalo na nang maghiwalay ang kanilang mga magulang.

Sila ang naging sandalan ng isa’t isa sa harap ng lahat ng pagsubok na kanilang dinanas, kahit nang magsimulang gumamit ng droga si Sherwin.

Hindi binitawan ni Love ang nakababatang kapatid, kahit na may kanya-kanya na silang mga pamilya.

Si Love ang nag-alaga at tumingin kay Sherwin hanggang sa magkasakit ito sa kanyang kidney.

Nang mangailangan ng kidney transplant ito, handang magsakripisyo si Sherwin subalit hindi sang-ayon sa donasyon ang misis ni Sherwin at pamilya nito sa paniwalang ikasasama ni Sherwin ang pagkawala ng isa sa kanyang mga bato.

Ano ang pipiliin ni Sherwin: ang sagipin ang buhay ng ate niyang nagmahal at nag-aruga sa kanya buong buhay niya o ang sundin ang kagustuhan ng mga mahal sa buhay para sa kanyang sariling kalusugan at seguridad?

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Paco Sta. Maria at panunulat nina Arah Jell G. Badayos at Jaja Amarillo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?