63

Sep 14, 2021 @ 21:57
By

Pangarap na big bike ni Paalam nagkatotoo

Nakamit ni Olympic silver medalist Carlo Paalam ang matagal nang pinapangarap na motorsiklo.

Nitong Lunes ibinigay sa kanya ang regalong itim na Yamaha YZF R6 mula sa Motortrade at Yamaha Philippines.

Nagkakahalaga ang dream bike ni Paalam ng P749,000 na may 599cc engine.

Bukod doon, may limang taong libreng insurance si Paalam para sa kanyang bagong motmot mula sa Pioneer.

Kasama ni Paalam ang kanyang nobyang si Stephanie Sepulveda nang tanggapin ang motorsiklo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?