22

Nov 10, 2021 @ 14:37
By

Pangangaroling ngayong Pasko aprub sa DOH

Para sa mas masayang pagdiriwang ngayong taon, papayagan na ng Department of Health (DOH) ang pangangaroling – basta’t isuot ang face mask at face shield.

“Sa pangangaroling po kailangan lang tandaan na outdoors dapat, nandyan ‘yung pagsuot ng face mask at saka face shield,” wika ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Miyerkoles.

Paliwanag ng health official, mas maraming respiratory droplets ang binubuga ng isang tao kapag kumakanta, kaya marapat lamang na isuot ang mga protective equipment na nabanggit.

Ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 2, kung saan maging mga bata ay maaari na ring magpunta sa mga pampublikong lugar.

Noong nakaraang taon ay hindi nasaksihan ang pangangaroling dahil sa pandemya. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?