39

Sep 17, 2020 @ 10:52
By

Panganganak ni Anne sa Australia wala sa plano

Nakapili na raw ng doktor at ospital sa Manila si Anne Curtis kung saan niya dapat isisilang ang panganay.

Pero may dalawang rason ang aktres kung bakit niya ginawa ang last-minute decision na pumunta sa Australia at doon manganak.

“Last minute, I decided na parang I was working so hard kasi. Hindi nila ako mapigilan mag-work. I felt na one way that will really get me to stop working is to be [in Australia],” kwento ni Anne kay G3 San Diego.

“Major factor din kasi was being with my mom (Carmen) since it’s the first baby and having her help me through it, parang doon na lang ako kasi mas tahimik. I can really just focus sa first few weeks and months on my baby daughter’s life,” aniya pa.

Marso sinilang ni Anne si Dahlia, na una nilang anak ng asawa na si Erwan Heussaff.

Nasa Australia si Anne at kanyang pamilya noon pang Disyembre 2019. Dahil aniya sa coronavirus pandemic kaya napatagal ang pananatili nila abroad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?