457

Dec 16, 2019 @ 18:11

Pangangaliwa ng groom nilantad sa kasal

Nalaman ng isang bride ang pagtataksil ng kanyang fiance ilang oras ang dapat nilang kasal, at kakaiba ang paraan niya para maghiganti sa lalaki.

Ayon sa ulat ng Whimn, isang anonymous number ang nag-send kay Casey ng screenshots ng sensuwal na palitan ni Alex at isang ‘di kilalang babae.

“Your body is fucking incredible. And shit do you know how to use it. I wish my GF had half the skills you do.”

“I miss you so much. I can’t stop thinking about L, S, F’ing you. I’ve never had this kind of connection before.”

Minungkahi ng mga kaibigan ng bride na tawagan na ang anim-na-taong boyfriend at ikansela ang kasal, ngunit nagdesisyon si Casey na ituloy ang kasal at doon ilantad ang pangangaliwa ni Alex.

Pagkatapos ng entourage, inanunsiyo ni Casey: “There will be no wedding today. It seems Alex is not who I thought he was.”

Doon na binasa ni Casey ang mga text ni Alex sa kalaguyo. Nagkatitigan ang dalawa at tumakbo si Alex palabas ng simbahan.

Samantala, hindi naganap ang ‘wedding reception’ ngunit nangyari ang “pagdiriwang ng katapatan at paghahanap ng true love.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?