37

Nov 27, 2021 @ 22:39
By

Panganay nina Marian, Dingdong, 6 taon na

Isang stuffed toy themed party ang naging regalo nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa ikaanim na kaarawan ng kanilang anak na si Zia.

Ipinasilip ni Marian sa kanyang Instagram post ngayong Sabado ang ilang kaganapan sa kaarawan ng anak.

Ayon kay Marian, simple lamang ang birthday wish ng anak.

“For Zia’s sixth birthday, her wish is for everyone to be happy and safe,” aniya.

Sina Marian at Dingdong ay ikinasal noong 2014. Si Zia naman ang kanilang panganay habang si Sixto ang pangalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?