282

Jan 14, 2022 @ 18:10
By

Panganay nina Iya, Drew nahawa ng COVID; bunso may sintomas na rin

Sunod-sunod ang pagpopositibo sa COVID ng mga anak nina Iya Villania at Drew Arellano.

Ilang araw matapos magpositibo ang pangalawang anak nilang si Leon, nagpositibo na rin ang panganay na si Primo.

Matatandaang inanunsyo ng buntis na si Iya ang pagpopositibo niya at mister sa COVID.

Kaya humiwalay muna sila sa mga anak na sina Primo, Leon at Alana.

Samantala, nitong Biyernes ibinalita ni Iya na may mga sintomas na rin ng COVID ang bunso nilang si Alana.

“And here she is my poor baby girl who’s probably having the hardest time dealing with symptoms it’s unli cuddles for this one right now.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?