21

Feb 23, 2020 @ 16:08
By

Panganay ni Quentin Tarantino sinilang na

Masisilayan na ng madla ang produksiyon nina Quentin Tarantino at kanyang asawang singer-aktres na si Daniella Pick: ang kanilang panganay na lalaki.

“Daniella and Quentin Tarantino are happy to announce the birth of their first child. A baby boy born Feb. 22,” sabi ng rep ni Tarantino sa Page Six kahapon, Pebrero 22.

Wala nang binigay na ibang detalye.

Agosto 2019 nang kumpirmahin ng kampo ng direktor na buntis si Pick.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?