28

Sep 26, 2021 @ 16:08
By

Panganay ni Liz Uy sa mister niyang negosyante 4 years old na!

Ipinagdiwang ng family ni Liz Uy ang 4th birthday ng kanyang baby boy na si Xavi.

Para sa kanyang kaarawan, binihisan ng stylist ang kanyang dyunakis bilang isang pirata.

https://www.instagram.com/p/CUPGcCyJb0z/?utm_medium=copy_link

“Ahoooy matey Xavi! ‘Tis yerr special Happy 4th Burrthday!!!” caption niya.

Taong 2017 nang i-welcome ng mag-asawang Liz at Raymond Racaza si Xavi.

Samantala, nito lamang Pebrero nang isinilang niya si baby no. 2 na si Mati.

Matatandaang nito lamang nakaraang taon nang putaktihin ng bashers si Liz dahil umano sa pagiging “homewrecker” nito.

Ayon kasi sa tsismis, “crossover” relationship daw ang pinasok ni Liz noon kay Raymond na siyang dating may asawa na si Dra. Geraldine Zamora, isang rheumatologist.

May anak din si Raymond na si Nala sa una niyang misis. (VA)

View this post on Instagram

A post shared by Liz Uy (@lizzzuy)


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?