109

Dec 16, 2019 @ 18:02
By

Panganay ni Kris na si Josh, kinabiliban sa galing mag-piano

Umani ng mga like at positibong comment ang binahaging mga video ni Kris Aquino kung saan mapapanood ang husay ng kanyang eldest son na si Joshua sa pagpi-piano.

Sakto sa holiday season ang binanatan ni Josh na church song na “Unang Alay”, na naka-post sa Instagram account ni Kris.

“Because it’s Sunday… May God bless you all in this season of Advent,” ani Kris sa caption.


Noong Dec. 11 nagpamalas din ng galing sa pagpi-piano si Josh sa pagtugtog ng “Christmas in Our Hearts”, sikat na Filipino Christmas song ni Jose Mari Chan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?