118
pacman3
By

Pangamba ng mga fan binura ni Pacquiao

Sharing is caring!

Kalma lang!

Ito ang nais iparating ni Senator Manny Pacquiao sa mga boxing fanatic maging sa mga kritiko ng kanyang July 15 bout kontra WBA welterweight champ Lucas Matthysse ng Argentina sa Hulyo 15 sa Malaysia.

Sa gitna ng mga ugong na maaaring makansela o mas matindi, hindi matuloy ang laban nila ni Matthysse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, mismong ang 39-anyos na ang pumawi ng pangamba at sinabing tuloy ang bakbakan.

Bagama’t walang nabanggit kaugnay sa aspetong pinansiyal ng laban, na siya umanong dahilan ng posibleng pagkaantala ng laban ayon sa panayam kamakailan ng ESPN kay Dan Rafael, sinabi ni Pacquiao na walang problema.

“As far as I am concerned, everything is fine,” litanya ng ‘Pambansang Kamao’, may ipinagmamalaking 59-7-2 panalo-talo-tabla baraha kasahog ang 38 KOs.

Maging ang marketing and sales head ni Pacquiao na si Arnold Vegafria, sinisigurong tuloy ang suntukan sa susunod na buwan.

“Everyone is on board. Everyone understands the situation and the fight is going as planned,” sey nito.

Susubukang agawin ni Pacquiao ang WBA 147-pound diadem ng 35-anyos na si Matthysse, nagpabagsak ng 36 kalaban sa 39 panalo kontra apat na talo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?