85

Dec 5, 2021 @ 21:58
By

Pangalan ni Ping ginamit ng scammer

Maging ang pangalan ni presidential aspirant at Senador Panfilo Lacson ay hindi sinanto ng mga manloloko na gumagamit ng text message.

Sa isang larawang inupload sa social media, makikita ang screen shot ng biktima sa isang mensahe sa kanya ng nagpakilalang galing sa pamilya ni Lacson.

Nagpakilala itong magbibigay ng ayuda at kailangan lamang isend ng biktima ang kanyang impormasyon para makuha ito.

“This is from Ping Lacson Family. Can you please claim your Ayuda’s from our Fam.,” saad sa text message ng scammer.

“Note: If you are interested to get that pls. reply your real name and followed by your complete address. Thank You,” dugtong pa nito.

Batay sa screen shot, matapos isend ng biktima ang kanyang impormasyon ay hindi na sumagot ang scammer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?