87
Abante-TnT-kiko-pangilinan
By

Pangakong ‘peace and order’ ni Duterte, naglaho na – Kiko

Sharing is caring!

Nasaan ang ipinangakong peace and order? Tanong ito ni opposition Senator Francis “Kiko” Pangilinan kasunod ng pagpatay sa isang pari sa Nueva Ecija habang naghahanda sa pagdaraos ng mga misa.

Nitong linggo, binaril sa loob ng simbahan si Fr, Richmond Nilo, pari sa Cabanatuan.

Pinuna ni Pangilinan na ikatlong pari si Fr. Nilo na pinatay sa nakalipas na anim na buwan.

Noong Disyembre, binaril at pinatay sa Jaen, Nueva Ecija si Fr. Marcelito Paez at noong Abril naman pinatay sa Cagayan si Fr. Mark Ventura.

Ayon sa senador, tila may “pattern” ng pagpatay sa mga pari.

“Nasaan ang ipinangakong peace and order? Nasaan ang kaayusan? Nasaan ang katarungan?” tanong ni Pangilinan.

Inungkat ni Pangilinan na ipinangako ni Pangulong Duterte noong kampanya na tatapusin ang kriminalidad sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

“Bakit parang may pattern ng pagpatay sa mga tumutulong sa mga mahihirap, na siyang unang naging target ng mga patayan? Bakit parang lumalala ang problema ng panlipunang kapayapaan?” dagdag nitong kuwestiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?