183

By

Pangakong ‘happy life’ ni Matteo sa parents ni Sarah G, pinusuan ng mga netizen

Kinilig ang madla na finally naging open na si Matteo Guidicelli tungkol sa nakatakdang pagpapakasal nila ni Sarah Geronimo.

Sa kanyang mahabang Instagram post nitong Huwebes ay nagpahayag ng excitement si Matteo na magkaroon ng pamilya kasama si Sarah.

Nangako rin siya sa parents ng singer na aalagaan niya ito at bibigyan ng masayang buhay.

Nag-trending ang ginawang gesture na ito ni Matteo at sinaluduhan ng mga netizen ang pagiging respectful niya sa pamilya ng kanyang fiancee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?