60

Jan 19, 2020 @ 14:54
By

Pangako sa pamilya, ‘di tinupad! 10 NPA member sumuko sa Isabela

Sumuko sa Philippine Army (PA) ang sampung kasapi ng New People’s Army (NPA) na kinabibilangan ng isang mataas na lider nito at limang miyembro ng Milisya ng Bayan (MB) sa bayan ng San Mariano, Isabela.

Ayon sa report, sumuko ang mga rebelde sa PA 9th Infantry Battalion (IB) at San Mariano Police Station (SMPS) na dala ang mga matataas na kalibre ng baril.

Sinabi ng mga militia, isninuko ng mga ito ang limang M-16 rifles, isang M-653 rifle, isang .45 pistol, isang .38 revolver, isang homemade shotgun, 17 na Improvised Explosive Devices (IED’s) at mga bandila ng NPA.

Sa testimonya ni alyas “Dennis”, dating Supply Officer ng Central front, KR-CV at recruiter ng NPA sa bayan ng San Mariano, sinabi nito sa militar na hindi na nito natiis ang pagsisinungaling ng kanyang mga lider dahil hindi rin aniya natupad ang mga ipinangakong tulong para sa kanyang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?