144

Nov 25, 2021 @ 17:10
By

Pangako raw sa China: Pagpapaalis sa BRP Sierra Madre kinabahala

Nabahala si Magdalo Rep. Manuel Cabochan III sa pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na mayroong nangako sa kampo ng Pilipinas na aalisin ang sumadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“We need to ask if, in fact, there was a commitment made to remove BRP Sierra Madre in the Ayungin Shoal and who made such commitment on behalf of the Philippines,” sabi ni Cabochan.

Ayon sa ulat, muling iginiit ni Zhao na ang Ren’ai Jiao, na tinatawag sa bansa na Ayungin Shoal, ay bahagi ng Nansha Qundao ng China kasabay ng pagsabi na dapat tuparin ng Pilipinas ang pangako nito na aalisin ang barko.

“The claim of China that there is supposed commitment made should be clarified because it is evident that the Philippines solely has sovereign rights in the Ayungin Shoal. The Philippines has a legal basis according to the UNCLOS and the 2016 arbitration ruling,” giit ni Cabochan.

Sinabi ni Cabochan na hindi dapat nagpapaa-alam ang mga Pilipino sa China o kanino pa man para makapunta sa Ayungin Shoal dahil malinaw na bahagi ito ng teritoryo ng bansa.

“Sa atin ang Ayungin Shoal. Kung meron mang trespasser doon, ito ay ang China,” dagdag pa ng solon.

Muling uminit ang usapin sa pinag-aagawang teritoryo dahil sa pagharang at pag-water canon ng mga barko ng China sa dalawang bangka ng Pilipinas na maghahatid ng suplay sa mga sundalo na nakadestino sa BRP Sierra Madre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?