25

Jul 22, 2021 @ 14:13
By

Pangako ni Kai: Babalik ako sa Gilas na mas malakas!

Nagsalita na si Kai Sotto sa balitang hindi siya maglalaro sa Gilas Pilipinas para sa 2021 Fiba Asia Cup.

Ayon kay Sotto, nais man niyang irepresenta ang Pilipinas sa Indonesia, ngunit kailangan na niyang magpunta sa Australia sa August 1.

“I already committed to join the NBL starting the 2021/2022 season and I will be in Adelaide on August 1 to start my two week quarantine, get settled and start preparing for preseason activities,” wika ng 7-foot-3 top prospect.

Aniya, mahalaga para sa kanyang basketball career ang NBL at nais niyang ibuhos muna ang kanyang ‘1000%’ sa Adelaide 36ers matapos magsilbi sa Gilas noong Fiba Asia Cup qualifiers at Olympic qualifying tournament.

Nangako naman ang 19-year old baller na babalik siya sa Gilas nang mas malakas.

“Babalik ho ako sa Gilas na mas malakas at mas maraming natutunan sa aking paglalaro sa Australia,” ayon kay Sotto. “Ipagdadasal ko po ang mga kasamahan ko para sa Asia Cup and I will be one of their loudest fans!”

Sa August 17 gaganapin ang 2021 Fiba Asia Cup sa Indonesia, ngunit bago ito ay sasabak muna ang PH national team sa King’s Cup sa Jordan. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?