118
NPA
Aug 10, 2019 @ 16:42
By

Pangako ni Duterte sa susukong NPA: Bahay, pagkain, TESDA training

Inalok muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ng libreng bahay, pagkain at training na may kasamang bayad sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na susuko sa gobyerno.

Sinabi ng pangulo sa kanyang pagdalo sa ika-118 anibersaryo ng Police Service sa Camp Crame na bukas ang gobyerno sa mga magbabalik-loob na rebelde at tutulungan ang mga itong makapag-bagong buhay.

“If you want to surrender, just drop it. Drop your gun and go to the nearest police or military camp. And I will give you a house, provide you with the skills. TESDA is there,” anang Pangulo.

Habang nasa TESDA training aniya ang mga sumukong NPA ay bibigyan sila ng pera at pagkain para hindi magutom ang kanilang pamilya, at magpapatuloy ito hanggang sa matiyak na kaya ng mga itong tustusan ang kanilang pangangailangan.

“During the time that you are learning the skill, I will pay you. Libre pagkain. I’ll take care of your food until such time that you are able to make it on your own,” dagdag pa ng pangulo.

May unang batch na ng mga sumukong rebelde ang nabigyan na ng libreng bahay sa Davao City nitong nakalipas na buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?