31

Sep 25, 2020 @ 15:42

Pang-worst case scenario lang! Mikey Arroyo dinepensa suspende eleksyon

RP

Nilinaw ni Pampanga 2nd District Rep. Mikey Arroyo na wala siyang balak na umaksyon para mausog ang national elections sa 2022.

Sa kanyang panayam sa ABS-CBN News, sinabi ni Arroyo na nais niya lang mapag-usapan ang posibilidad ng pag-postpone ng eleksyon sakaling malala pa rin ang sitwasyon ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

“Hindi ko naman sinasabi na gawin natin (ang election postponement). Ang sinasabi ko lang, pagdating ng panahon, In 2022, we don’t know what will happen to us. The fact that the pandemic would be better or worse at that time,” saad ni Arroyo.

Giniit din niya na wala siyang hinaing panukalang batas tungkol sa pagsuspende ng eleksyon, at nilinaw na gusto lang niyang gumawa ang Commission on Elections (Comelec) ng protocol at mga safety pagdating ng eleksyon.

“Yung sinasabi nilang mga constitutionalist na ito’y hindi pwede, tama po sila,” lahad pa ng kongresista.

“I’m not arguing with that, I’m not even saying No-El (no elections) that’s too far… I think that people just put words into my mouth,” saad pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?