480

Dec 29, 2017 @ 12:18
By

Pang-Media Noche na mga prutas sa Divisoria, tataas pa

Asahan na raw ang mas mataas na presyo ng mga bilog na prutas sa Divisoria sa weekend.

Iyan ay habang papalapit na nang papalapit ang Bagong Taon.

Ayon sa mga tindera, mas buhos kasi ang mga mamimili ngayong araw Disyembre 29 hanggang Disyembre 31 dahil mas gusto nila ang mga sariwang panghanda sa Bagong Taon.

Kabilang sa 12 prutas na mabenta sa Divisoria na nagtaas na ang:

Peras – P20/pc na dati ay P10/pc

Apple – P20/pc

Green Apple – P25/pc

Grapes – P170/kilo na dati ay P150/kilo

Kyatkyat – P70/balot na dati ay P50/balot

Ponkan – P25/2 pcs na dati ay P10/2 pcs

Chico – P70/kilo na dati ay P50/kilo

Melon – P100/pc na dati ay P60/pc

Pakwan – P150/pc na dati ay P120/pc

Dalandan – P30/kilo

Lemon – P50/3pcs

Longan – P150/kilo

(Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?