117
Pang-eespiya ng Huawei para sa China, sisilipin ng PNP
Apr 29, 2019 @ 17:18
By

Pang-eespiya ng Huawei para sa China, sisilipin ng PNP

Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang alegasyon na sangkot sa espionage o paniniktik para sa gobyerno ng Chinese ang technology giant na Huawei.

Ayon kay PNP chief General Oscar Albayalde, sa kabila nito hindi umano apektado ng kontrobersiya ang pambansang pulisya dahil wala itong anumang kontrata sa Huawei.

Matatandaang nang bumisita sa bansa si United States Secretary of State Mike Pompeo sinabi nitong dapat maging bukas ang mga mata ng mundo sa panganib ng pakikipagkasundo sa Huawei sa larangan ng telekomunikasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?