98

Aug 25, 2021 @ 11:08
By

Pang. Duterte, Go aatras kung tatakbo si Sara – source

Handa umanong magbigay-daan sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher “Bong” Go kay Davao City Mayor Sara Duterte sakaling maisipan nitong tumakbo sa pagkapresidente sa Eleksyon 2022.

Ayon ito sa tatlong reliable sources na nakasama ng Pangulo nito lamang Martes sa isang pagpupulong.

“If Sara runs, Bong Go is out because Sara is the frontrunner,” ani Duterte ayon sa isang source.

“As for me, I won’t run out of delicadeza,” hirit pa umano ng Pangulo.

Sambit niya, hindi raw kasi maganda na dalawang Duterte ang tatakbo sa sa susunod na taon.

Kaugnay nito, wala pa ring anunsyo ang Davao City Mayor kung kakandidato ba siya bilang lider ng bansa sa 2022.

Inamin naman ng alkalde na bukas siya sa pagtakbo bilang pangulo.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/sara-duterte-bukas-na-sa-pagtakbong-pangulo/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?