147

Dec 21, 2017 @ 12:12
By

Pang-anim na araw ng Simbang Gabi sa Maynila, payapa – MPD

Ibinida ni Manila Police District (MPD) Spokesman Supt. Erwin Margarejo na naging mapayapa ang pang-anim na araw ng pagdiriwang ng Simbang Gabi sa lungsod.

Ayon kay Margarejo, mahigpit nilang ipinatutupad ang direktiba ni MPD District Director Chief Supt. Joel Coronel na magpakalat ng mga unipormadong pulis sa mga simbahan sa Maynila upang magdalawang-isip ang mga nagpaplano o gumagawa ng kaguluhan dahil sa presensiya ng mga tauhan ng MPD.

Paliwanag nito, masasampolan ang mga station commander ng bawat police station ng direktiba ni NCRPO Regional Director Oscar Albayalde na command responsibility kung malulusutan sila sa kanilang area of responsibility at mayroong mangyayaring kaguluhan sa kanilang lugar.

Giit ng opisyal, bukod sa mga simbahan ay nagkalat din ang mga pulis sa mga matataong lugar tulad ng mall, LRT, pantalan, palengke at vital installation upang matiyak na maproktektahan ang publiko sa mga nagbabalak na maghasik ng kaguluhan. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?