86

Apr 11, 2020 @ 13:52
By

Pang-agaw inip: Ala-Spiderman namigay ng ayuda sa ka-barangay

Kakaibang gimik at pang-agaw inip ang ginawa ng isang lalaki sa Tarlac nang ala-Spiderman itong namigay ng ayuda.

Nag-viral ngayon sa social media ang Spiderman ng Bgy. Sta. Lucia sa Tarlac , na si Estefred Cordero Jr.

Si Cordero ay napag-alamang isang photographer sa nasabing lugar.

Kahit simpleng tao lang aniya niya ay gusto rin niyang makapagbigay tulong at mapasaya na rin ang kanyang mga ka-barangay.

Dahil dito, naisip niyang magsuot ng nasabing costume habang namimigay ng kahit konti aniyang relief goods na kinabibilangan ng hotdog, gulay, pansit mami at itlog sa kanyang mga kalugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?