36

By

Pang-aangkin ng karagatan ng China, uusisain ni Digong sa ASEAN

Sasamantalahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakataon sa kanyang pagdalo sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit sa Bangkok, Thailand para tanungin ang China kaugnay sa pang-aangkin nito sa karagatan.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa oath-taking ni Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte na aalamin niya kung kaya ba ng China na angkinin ang buong karagatan dahil kung kaya nito ay hindi rin mapipigilan ang Amerika na angkinin ang malaking bahagi ng Pacific Ocean.

Sinabi ng Presidente na siya ang moderator ng China sa ASEAN kaya may pagkakataon ito na matanong hinggil sa isyu ng pinag-aagawang mga teritoryo sa South China Sea.

“Ang tanong ko lang sa China, we’re friends but you know, ang China drew a line dikit talaga sa mga coatsline ng Vietnam, Malaysia, Brunei. Ang sabi ko, is it correct for China to declare ownership of an ocean? Ako ang moderator for China sa ASEAN. But I’m posing this question: Kaya mo ba mag-claim ng ownership ng ocean? Because nobody can prevent America from claiming a third of the Pacific Ocean,” anang Pangulo.

Kapag aniya ganito ang sistema ay ipagbabawal niya rin ang pagpasok ng anumang barkong dadaan sa Sulu Sea hangga’t walang permiso mula sa kanya.

“Ako naman dito pagpasok mo galing India, papunta ka ng Celebes, it is the Sulu Sea. I am thinking of claiming the Sulu Sea as ours. Huwag kayong dumaan din pag wala kayong permiso sa akin,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?