6

Jul 21, 2021 @ 16:27
By

Pang-aabuso sa drug war walang ebidensiya – Eleazar

Karamihan ng umano’y mga pang-aabuso sa giyera kontra droga ay hindi suportado ng ebidensiya o hindi naihain na reklamo, ayon kay Philippine National Police chief Guillermo Eleazar.

Reaksyon ito ni Eleazar sa mga tanong kung bakit kakaunti lamang ang napaparusahang awtoridad na umano’y sangkot sa pagkamatay ng mga drug suspect.

“Ang nakikita natin ay sinasabi bakit kaunti lang ang napaparusahan, kasi ang imbestigasyon is based on evidence at napansin natin, ako observation ko, is maraming mga kaso tayo na wala namang ebidensiya,” wika ni Eleazar sa panayam sa ANC.

“‘Yung iba nating kababayan ay they opted na hindi na lang mag-file ng kaso pero ilapit na lang sa media, Commission on Human Rights and even sa iba pang sectors ng ating government. But in the conduct of investigation in any investigating body, ay kailangan mayroon tayong basehan,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?